Masakit ang puso ko, ilang araw na. Bakit kamo? Dahil alam ko na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Mas malamang na mas malalim na ang nararamdaman ko sayo, kesa sa nararamdaman mo sa kin. Oo, alam ko, hindi ko dapat ikumpara, at hindi ako dapat manukat. Pero nasasaktan ako pag pinaparamdam mo na eto lang ako sa buhay mo. Oo, ramdam ko naman, mahalaga ako, pero may pader pa din, may harang ka pa ding nilalagay. Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko, pero bakit ganun? Iniiwasan mo ang mga tanong na patungkol sa ting dalawa. Oo, baka nga nagmamadali ako masyado, pero bakit ba ko nagkakaganto? Dahil sa mga pinapakita mo sa kin lalong lumalalim bawat araw, at unti-unti akong nahuhulog. Pero ako lang.. ako lang.. :(
No comments:
Post a Comment